Martes, Agosto 23, 2016

Si Rizal at ang Katipunan

Hunyo 21, 1896, ipinadala ni Andres Bonifacio si Dr. Pio Valenzuela upang maipaalam ang balak ng Katipunan. Sakay si Valenzuela sa barkong Venus at nagsama ng isang bulag upang hindi mahalataan. Binanggit niya na napagkasunduan ng samahang Katipunan ng Mayo 1, 1896 ang mga sumusunod;

  1. Hikayatin na sumapi sa Katipunan ang mga matatalino at mayayamang Pilipino.
  2. Mangilak ng pondo para maibili ng mga armas at ng iba pang kakailanganin ng rebolusyon.
  3. Magpadala ng isang komisyon ng matatalinong Pilipino sa bansang Hapon pang siyang mamahala sa pagbili ng armas at bala. At para na rin humingi ng tulong sa pamahalaang Hapones para sa kaligtasan ng mga rebolusyonaryo.
  4. Kunin ang kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya sa pamamagitan ng dahas, na siya lamang tanging pamamaraan upang matamo ang kalayaan sa tulong ng bansang Hapon.
  5. Iharap ang rebolusyon kay Dr. Jose Rizal sa pamamagitan ni Dr. Valenzuela upang matamo ang kanyang pagsang-ayon at malaman ang kanyang kasagutan.
  6. Kung hindi papayag na makipagtulungan ang mayayamang Pilipino, bawat kasapi ng Katipunan ay magbibigay ng ambag ayon sa kakayahan linggu-linggo.

Hindi sinang-ayunan ni Rizal ang mapangahas na balak ni Bonifacio. Ayon sa kanya - (1)hindi pa handa ang taumbayan at (2)kailangan pang mangalap ng pondo at armas bago maging handa sa isang
rebolusyon.

Hunyo 22, 1896, nang umalis sina Valenzuela sa Dapitan.