Ang blog na ito ay naglalaman ng mga impormasyon ukol sa naging pang-araw-araw na buhay ni Rizal sa Dapitan.
Miyerkules, Agosto 24, 2016
Rizal Bilang Isang Negosyante
Ang pagnenegosyo ay isa sa mga naging gawain ni Rizal sa Dapitan. Nakipagsosyo siya kay Ramon Carreon, mangangalakal na taga-Dapitan sa negosyo ng pangingisda, koprahan at abaka. Itinayo din ni Rizal ang kooperatiba ng mga magsasaka sa Dapitan upang mabawasan ang monopolyo ng mga Tsino sa lugar. Naging malikhain si Rizal sa Dapitan sa pamamagitan ng paglikha ng mga sumusunod: (1) sulpukan isang pagsindi ng sigarilyo na gawa sa kahoy at; (2) makina sa paggawa ng bricks. Itinayo niya ang Asosasyong Kooperatiba ng mga magsasaka ng Dapitan.