Miyerkules, Agosto 24, 2016

Hunyo 17, 1892

Nakarating sa Dapitan si Rizal at ipinagkaloob siya kay Kapitan Ricardo Carnicero y Sanchez, ang punong-militar ng Dapitan. At kasama ng pagbìbigay na iyon ang isang sulat, na bukod sa mg̃a iba’t ibang bagay, ipinag-uutos sa Gobernador na patirahin si Rizal sa kumbento roon ng mga Heswita at kung sakali ay hindi mangyari ito, ay doon siya patirahín sa bahay ng Gobernador. Dala din ni Rizal ang sulat ni Padre Pablo Pastells, ang superior ng mga Heswita, para kay Padre Antonio Obach, ang paring Heswita sa Dapitan. Ang sulat ay naglalaman ng mga kondisyon upang si Rizal ay makatira sa kumbento. Ang mga kodisyong ito ay ang sumusunod: Una, hayag na tatalikdan at pagsisisihan ni Rizal ang kanyang mga sinabi laban sa relihiyong Katolika, at maghahayag siya ng mga pagpapatotoong iniibig niya ang Espanya at kinalulupitan niya ang mga kagagawang laban sa Espanya; ikalawa, na bago siya tanggapín ay gagawa muna siya ng mga “santo ejercicio” at tsaka “confesión general,” ng kanyang dinaanang buhay; at ikatlo, na sa haharaping panahon ay magpapakagaling ng asal, na ano pa’t siya'y maging uliran ng iba sa pagka masintahin sa relihiyong Katolika at sa Espanya. Hindi sinang-ayunan ni Rizal ang mga kondisyon at nanirahan sa bahay ni K. Carnicero, ang kanyang bantay. Hinanga ni Carnicero si Rizal at binigyan siya ng mga kalayaan.


Setyembre 21, 1891

Dumating ang barkong Butuan sa Dapitan, sinalo ito ni K. Carnicero at inutos rin niya ang buong bayan na magtipon sa dalampasigan. Walang opisyal ang sakay ng barko ngunit dala nito ang magandang balita. Nakatanggap sina Rizal, K. Carcinero at Francisco Equilor ng gantimpala na ang kanilang ticket bilang 9736 ay nanalo ng ikalawang gantimpalang P20,000. Ang naging hati ni Rizal ay P6,200. Ibinigay niya ang P2,000 sa kanyang ama at P200 kay Jose Ma. Basa sa Hongkong at ang natira ay kaniyang ginamit sa pagbili ng lupa sa Talisay na isang kilometro ang layo sa bayan ng Dapitan.

Ang Debate nina Rizal at Padre Pastells

Hindi naglaon ay tumanggap si Rizal kay Padre Pastells ng isang librong sinulat ng presbíterong si Don Felix Sara y Salvany, at sa handog na iyo'y nagpasalamat si Rizal at nangakong tutumbasan ito, bagay na tinupad niya noong ika-15 ng Enero ng 1893, na nagpadala naman siya kay Padre Pastells ng isang marikit na eskulturang larawan ni San Pablo, na canyang ginawa. Nagkaroon ng isang mahabang sulatan sina Rizal at Pastells ukol sa usapin ng relihiyon na naglalaman ng mga paniniwalang pangrelihiyon ni Rizal: (1) Ginagamit ng mga prayle ang relihiyon sa pansariling kapakinabangan at (2) ang sariling pagpapasiya ay biyaya ng Diyos sa lahat ng tao. Hindi nagtagumpay si Pastells na maibalik si Rizal para sa simbahan. Inilipat ni Padre Pastells si Padre 
Francisco Sanchez sa Dapitan upang muling akitin si Rizal na magbalik sa simbahan. Ngunit, tulad ni Padre Pastells, hindi rin ito nagtagumpay.Nanatiling mabuting magkaibigan sina Rizal at Pastells. Binigyan si Rizal ng sipi ng Imitacion de Cristo ni Padre Tomas Kempis at niregaluhan niya si Padre Pastells ng rebulto ni San Pablo. 

Hamon ni Rizal sa Duelo sa isang Pranses
Si G. Juan Lardet ay bumili ng troso sa lupa ni Rizal. Nagsulat ng liham si Lardet kay Antonio Miranda. Ipinakita ni Miranda kay Rizal ang sulat. Kinausap ni Carnicero si Lardet na huwag tanggapin ang hamon ni Rizal.

Si Rizal at si Padre Sanchez

Siya lamang ang paring Espanyol na nagtanggol sa Noli Me Tangere ni Rizal. Hindi makumbinsi si Rizal sa mga debate nila ukol sa teolohiya. Sa kaarawan ng prayle, niregaluhan siya ni Rizal ng manuskritong Estudios sobre la lengua talaga (Mga Pag-aaral hinggil sa Wikang Tagalog). 

Espiya ng Prayle

Nahalataan ni Rizal ang impostor na si "Pablo Mercado" na nagpakita na kamag-anak raw siya nito. Isinumbong niya ito kay Juan Sitges. Inimbestiga ni Anastacio Adriatico. Florencio Namanan ang tunay na pangalan ng lalaki at siya'y inupahan ng mga Paring Rekoleto.

Proyekto at Kontribusyon ni Rizal sa Dapitan

Proyekto ni Rizal
  • Patubig
  • Pinaalis ang mga latiang sanhi ng malaria
  • Sistemang Pang-ilaw
  • Pagpapaganda ng Dapitan (plasa)

Naging manggagamot din siya sa Dapitan. Sa katunayan, inoperhan ni Rizal ang mga mata ng kanyang ina. Tagumpay ang operasyon ngunit nagka-impeksyon dahil sa katigasan ng ulo ng ina. Nakakakita na rin ang ina dahil sa husay ni Rizal bilang manggagamot. Nagkaroon siya ng mga maharlikang pasyente. Ito ay sina; Don Ignacio Tumarong at Don Florencio Azacarraga.

Naging guro din siya. Nagkaroon siya ng 21 na estudyante. Hindi sila nagbabayad ng matrikula kundi nagtatrabaho sila para kay Rizal sa kanyang mga proyekto. Tinuruan ang mga ito magbasa, magsulat, mga wika, heograpiya, kasaysayan, matematika, gawaing industriyal, kalikasan, mga moral at gymnastics.


KONRIBUSYON:
Agham
  • 203 species ang kanyang nadiskubre
  • Draco rizali (lumilipat na butiki)
  • Apogonia rizali (maliit na uwang)
  • Rhacophorus rizali (kakaibang palaka)

Sining
  • Altar ng Mahal na Birhen para sa mga Madre ng Kawanggawa
  • "Paghihiganti ng Ina" - Asong pumatay ng Buwaya
  • Rebulto ni Padre Guerrico
  • "Ang Batang Babae ng Dapitan"
  • Kahoy na lilok ni Josephine Bracken
  • Rebulto ni San Pablo

Ginamit din ni Rizal ang kanyang panahon sa Dapitan bilang isang magsasaka. Umabot ng 70 hektarya ang lupang kanyang pagaari na tinaniman niya ng abaka, niyog, punong kahoy, tubo, mais kape at cocoa.


Pagsasaka

  • 16 na ektarya ng lupa sa Talisay
  • Kakaw, kape, tubo, niyog at punong namumunga - mga pananim niya.
  • Bumili ulit ng lupain hanggang nagkaroon siya ng 70 ektaryang lupa na may 6000 puno ng abaka, 1000 puno ng niyog at maraming punong namumunga, tubo, mais, kape at kakaw.

Rizal Bilang Isang Negosyante

Ang pagnenegosyo ay isa sa mga naging gawain ni Rizal sa Dapitan. Nakipagsosyo siya kay Ramon Carreon, mangangalakal na taga-Dapitan sa negosyo ng pangingisda, koprahan at abaka. Itinayo din ni Rizal ang kooperatiba ng mga magsasaka sa Dapitan upang mabawasan ang monopolyo ng mga Tsino sa lugar. Naging malikhain si Rizal sa Dapitan sa pamamagitan ng paglikha ng mga sumusunod: (1) sulpukan isang pagsindi ng sigarilyo na gawa sa kahoy at; (2) makina sa paggawa ng bricks. Itinayo niya ang Asosasyong Kooperatiba ng mga magsasaka ng Dapitan.

Martes, Agosto 23, 2016

Sulat mula kay Dona Teodora

"Mi Retiro" - Hiniling ni Dona Teodora si Rizal na sumulat ng tula. Ang tula ay ukol sa payapa niyang buhay bilang desterado at ipinadala noong Oktubre 22, 1895.

Ang Pag-iibigan ni Rizal at Josephine Bracken

18 taong gulang pa lamang si Josephne bracken ng nagkita sila ni Rizal habang ginagamot si Taufer. Hindi pinayagan makasal hangga't walang permiso sa Obispo ng Cebu. Pinahayag sa harap ng diyos na sila ay kasal.

Si Rizal at ang Katipunan

Hunyo 21, 1896, ipinadala ni Andres Bonifacio si Dr. Pio Valenzuela upang maipaalam ang balak ng Katipunan. Sakay si Valenzuela sa barkong Venus at nagsama ng isang bulag upang hindi mahalataan. Binanggit niya na napagkasunduan ng samahang Katipunan ng Mayo 1, 1896 ang mga sumusunod;

  1. Hikayatin na sumapi sa Katipunan ang mga matatalino at mayayamang Pilipino.
  2. Mangilak ng pondo para maibili ng mga armas at ng iba pang kakailanganin ng rebolusyon.
  3. Magpadala ng isang komisyon ng matatalinong Pilipino sa bansang Hapon pang siyang mamahala sa pagbili ng armas at bala. At para na rin humingi ng tulong sa pamahalaang Hapones para sa kaligtasan ng mga rebolusyonaryo.
  4. Kunin ang kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya sa pamamagitan ng dahas, na siya lamang tanging pamamaraan upang matamo ang kalayaan sa tulong ng bansang Hapon.
  5. Iharap ang rebolusyon kay Dr. Jose Rizal sa pamamagitan ni Dr. Valenzuela upang matamo ang kanyang pagsang-ayon at malaman ang kanyang kasagutan.
  6. Kung hindi papayag na makipagtulungan ang mayayamang Pilipino, bawat kasapi ng Katipunan ay magbibigay ng ambag ayon sa kakayahan linggu-linggo.

Hindi sinang-ayunan ni Rizal ang mapangahas na balak ni Bonifacio. Ayon sa kanya - (1)hindi pa handa ang taumbayan at (2)kailangan pang mangalap ng pondo at armas bago maging handa sa isang
rebolusyon.

Hunyo 22, 1896, nang umalis sina Valenzuela sa Dapitan.

Paglisan sa Dapitan

Hulyo 30, 1896, ang kahilingan ni Rizal na magtungo sa Kuba upang magsilbi bilang mangagagmot ay pinahintulutan ni Gobernador Ramon Blanco.
Sumakay sa barkong Espana kasama sina Josephine, Narcisa, Angelica (anak ni Narcisa), tatlong pamangkin na lalaki at anim na estudyante. Itinugtog ang musikang Funeral March ni Chopin bilang pamamaalam.


Setyembre 3, 1896, si Rizal ay umalis patungong Barcelona sakay ng Isla de Panay.
Oktubre 3, 1896, siya ay ipinailalim sa pangangalaga ni Despujol kung saan siya pansamantalang ikinulong sa kutang tanggulan ng Monjuich.





Nobyembre 3, 1896, ikinulong siya sa Fort Santiago